RSS

Tips sa paguluto...

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng LPG ngayon, kaya naman heto ang ilang mga tips sa pagluluto na puwede ninyong subukan.

Eto na ang sulusyon sa iyong problema..



        Sa pagluluto ng karne igisa muna ang bawang at sibuyas. Hintaying maging brown bago ilagay ang karne. Isangkutsya itong mabuti. habang sinasangkutsya lagyan na ito ng vetsin. At pag ito ay nag  mantika na lagyan mo ngayon ng YELO. Depende sa dami ng yelo. kung isang kilong karne lng isang yelo din ang ilagay. pagkalagay ng yelo saka mo ito takpan. Hintaying matunaw ang yelo hanggang limang minuto.Kadalasan ito ang ginawa sa probinsya at ito ay epektibong gamitin sa pagluluto.


       Spaghetti. Sa pagluluto ng pasta, hintayin munang kumulo ang tubig bago lagyan ng asin. Bumibigat ang tubig kapag maalat kaya matagal itong kumulo. Kapag kumulo na ang tubig na may pasta, takpan ang kaserola at patayin ang apoy. Ang nananatiling init nito ay sapat na para maluto ang pasta. Garantisadong pagkatapos ng 10 minuto ay luto na ang spaghetti ninyo. Dagdagan lamang ang oras kung mas makapal ang lulutuing pasta.


        Fried chicken. Mas mabilis at matipid kung sa kaserolang may takip magpiprito ng manok kaysa kawali. Mas concentrated ang init at konting mantika lamang ang magagamit para mag-deep fry. Pumili lamang ng kaserolang makapal ang ilalim para hindi masunog ang fried chicken.


        Mechado o Estofado. Kung magpapalambot ng karne, hiwain ito nang mas maliit para mas maigsi ang oras ng pagluluto. Hintaying kumulo nang todo ang sabaw o sarsa bago hinaan ang apoy at saka takpan. Puwede ring maglagay ng isang tangkay ng papaya sa pagpapakulo para mas madaling lumambot ang karne. Ang papain sa papaya ang tumutulong magpalambot ng karne. Puwede ring ibabad sa konting sukang puti ang karne bago iluto. Pinaghihiwalay ng acetic acid ng suka ang hibla ng karne kaya ito lumalambot. Mas madali ring manuot ang rekado kaya mas magiging malasa ang inyong mechado at estofado.


--- Tandaan, hindi problema ang pagiging gipit. Tamang diskarte lang ang kailangan. hinde lng sa pagluluto pati na rin sa ibang bagay..

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS