RSS

pinakbet ng NovoVizcayano



mga kailangan sa pinakbet 

1/4 kilo ng baboy na hiniwahiwa
4 piraso ng bawang na tinadtad
1 sibuyas na tinadtad
10 piraso ng kamatis na hiniwa
5 kamote na hiniwa pakuwadrado
5 talong 
3 ampalaya
5 okra
3 basong tubig
Bagoong isda
Asin
 Mantika

paraan sa pagluluto ng pinakbet

      Sa kasirola maglagay ng mantika. Igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay ang karne at lagyan ng onting asin. pag ito ay naging kulay brown saka ilagay ang kamatis. Lutuing mabuti ang kamatis hanggang sa ito ay madurog. Pag durog na ang kamatis ilagay na ang mga gulay. Siguraduhing nahugasang mabuti ang mga gulay bago ito ilagay. syaka ito takpan. Hintayin itong magtubig bago lagyan ng bgoong. Kapag kulang ang sabaw dagdagan ito ng tatlong baso ng tubig. Pakuluing mabuti hanggang sa maluto ang gulay.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS